BDSwiss App
Download & start trading

Ang Aming Mga Singil

Pinahahalagahan ng BDSwiss ang mga ideya ng trasparency at pagkamakatarungan. Alinsunod dito, makikita mo sa pahinang ito ang isang detalyado at malinaw na nakabalangkas na paliwanag tungkol sa lahat ng singil na maaaring ipataw habang ginagamit ang platform na ito.

Spreads, Komisyon, Rollover at Mga Marhen

Spread

Para sa bawat underlying asset, ibibigay ang bid at ask price. Ang diperensya sa pagitan ng dalawang presyong ito ay tinatawag na spread. Ginagamit ng bawat order ang bid price para magbenta at ang ask price para bumili. Ang spread ay ang binabayad sa broker sa pagsasagawa ng kalakalan.

Komisyon

Para sa stock CFDs, isang maliit na komisyon sa anyo ng isang bahagdan ay ibabawas sa pagbubukas at pagsasara ng iyong posisyon. Para sa lahat ng stock CFDs, ang komisyong ito ay naghahalaga ng 0.1%.

Rollover

Para sa bawat posisyon na pinananatili nang magdamag (sa madaling salita, ng 21:00 GMT o pagkatapos nito), may sisingilin na rollover fee. Mag-iiba ang rollover fees batay sa underlying asset. Bilang karagdagan, batay sa direksyon ng iyong puhunan, maaaring singilin ang isang rollover fee sa iyong account o maaaring makatanggap ito ng kredito.

Marhen

Ang marhen ay ang halaga ng pera na dapat itabi kapag nagbubukas ka ng bagong posisyon. Ang halagang ito ay itinuturing na depositong panseguridad laban sa galaw ng presyo na salungat para sa iyo. Ang marhen ay hindi isang bayad, sa halip ito ay kapital na hindi magagamit hanggang masara ang bukas na posisyon. Makikita mo ang karagdagang impormasyon tungkol sa mga marhen DITO.

*Mangyaring tandaan na ang marhen ay palaging kinakalkula nang paiba-iba at kailangang may sapat na pera ka sa iyong account upang maiwasan ang awtomatikong pagsasara ng iyong posisyon.*

Para sa detalyadong impormasyon tungol sa lahat ng naaangkop na bayad (Spread, Mga Komisyon, Rollover at Marhen), mangyaring sumangguni sa aming listahan ng asset DITO.