BDSwiss App
Download & start trading

FAQ

Kompanya

  • Paano ako makikipag-partner sa BDSwiss?

    Kung nais mong maging isang IB Partner o isang Affiliate ng BDSwiss, mangyaring bisitahin ang aming Partner's Portal.
  • Sino ang BDSwiss?

  • Aling time zone ang ginagamit ng BDSwiss?

    Ginagamit mismo ng BDSwiss ang time zone na UTC +1. Ang mga presyo na ipinapakita sa MetaTrader 4 at 5 platform ay tumutukoy sa oras ng server na UTC +2. Ang parehong mga time zone ay nagiging UTC +2 o UTC +3 sa panahon ng tag-init.
  • Paano ako makikipag-ugnayan sa BDSwiss?

    Pangunahing prayoridad namin ang pagsuporta sa aming mga kliyente sa buong karanasan nila sa pag-trade. Maaari kang makipag-ugnayan sa aming mga support team na nakakapagsalita ng maraming wika nang 24 na oras kada araw, limang araw kada linggo sa pamamagitan ng email sa [email protected]. Nag-aalok din ang BDSwiss ng live chat support sa website nito o sa pamamagitan ng Whatsapp at Telegram pati na rin suporta sa telepono sa higit na 20 wika. Ang aming mga numero ng telepono na panrehiyon, mga oras ng negosyo at ang aming support form ay matatagpuan DITO.
  • Ligtas ba ang aking personal na impormasyon?

    Oo, ang lahat ng data ng kliyente ay naka-encrypt gamit ang makabagong software ng seguridad at lubos na protektado. Mahigpit na pananatilihing kumpidensyal ang iyong datos at hindi ipapasa sa mga third party. Para sa higit pang mga detalye sa pagiging pribado, mangyaring mag-click DITO.
  • Gaano kaligtas ang BDSwiss?

    Ang BDSwiss ay gumagamit ng sistemang panseguridad na kinikilala sa buong mundo na SSL (Secure sockets Layer), na ine- encrypt ang lahat ng bayad ng credit card na pinoproseso sa Internet. Ang sistemang ito ay awtomatiko at makakatanggap ka ng agarang paunawa kung hindi sinusuporta ng iyong browser ang protocol na ito.

Magbukas ng Account

  • Paano ako makakapagrehistro sa BDSwiss?

    Ang pagpaparehistro sa BDSwiss ay isang napakasimpleng proseso. Mag-click lang sa ""Magbukas ng Account"" (o DITO) at kumpletuhin ang proseso ng pagpaparehistro. Pagkatapos, piliin kung aling instrumentong pinansyal ang nais mong gamitin. Kailangan mong kumpletuhin ang Pagsusuri sa Kaangkupan upang tiyakin na nauunawaan mo ang lahat ng panganib na kaakibat sa pangangalakal ng mga produktong derivative at magsumite ng ilang dokumento ng pagkakakilanlan na makakatulong sa aming kumpirmahin ang iyong pagkakakilanlan at i-activate ang iyong account upang maaari ka nang magsimulang mangalakal.
  • Maaari ba akong magparehistro nang hindi magdedeposito?

    Hindi kinakailangan na magdeposito para mag-log in sa BDSwiss o magbukas ng iba’t ibang mga trading account. Gayunpaman, kung nais mong mag-umpisang mag-trade, kinakailangan mong magdeposito. Mangyaring tandaan na maaaring iba’t iba ang kinakailangang pinakamababang deposito depende sa uri ng iyong account.
  • Nagkaroon ako ng mga problema sa pagpaparehistro – ano ang maaari kong gawin?

    Kung nagkakaroon ka ng mga problema sa pag-log in, o kung nakakatanggap ka ng error message sa pagpaparehistro, mangyaring makipag-ugnayan sa aming support o gamitin ang tampok na Live Chat. Makikita mo ang mga numero ng teleponong panrehiyon, mga oras ng trabaho at ang aming support form DITO.
  • Maaari ba akong magbukas ng “Demo Account”?

    Ang BDSwiss ay nag-aalok ng libreng Forex / CFD “Demo Account” na may kasamang $10,000 na virtual credit. Upang magbukas ng Demo Account, kumpletuhin lamang ang proseso ng pag-sign up. Ang Demo Account ay nililikha nang awtomatiko para sa lahat ng kliyente at maa-access ito sa iyong Dashboard. Upang mag-sign up sa isang libreng Demo Account mag-click dito .
  • Aling mga dokumento ang kinakailangan para iparehistro/beripikahin ang isang account?

    Upang lubusang maberipika ang iyong account, mangyaring ipadala ang mga dokumentasyon na nasa ibaba:
    • Katunayan ng pagkakakilanlan (Ganap na ipinapakitang na-scan na kopya): Ang ID mula sa gobyerno, ay maaaring isang pasaporte o kard ng pagkakakilanlan. Dapat ay wasto at hindi mage-expire sa mas mababa sa 3 buwan
    • Katunayan ng address (Ganap na ipinapakitang na-scan na kopya): Maaaring isang utility bill (kuryente, gas, tubig o landline/internet bill) o bank statement. Hindi dapat higit sa 3 buwan ang nakalipas.
    • KYC at Appropriateness Test: Ang BDSwiss ay isang kontroladong institusyong pinansyal at, sa gayon, para sa proteksyon ng kliyente, dapat magsagawa ng ganap na pagtatasa sa pagiging naaangkop. Samakatuwid, mangyaring sagutin ang lahat ng mga katanungan na aming hinihiling sa iyo sa konteksto ng pagsubok sa pagiging angkop, na magpapahintulot sa amin upang uriin ka ayon sa iyong naunang kaalaman. Napakahalaga na sagutin ang lahat ng tanong nang tapat.
  • Bakit ako kailangang magsumite ng mga personal na dokumento?

    Ang mga habang na ito ay isinasagawa upang tiyakin ang katotohanan ng impormasyon at upang protektahan ka mula sa potensyal na pandaraya. Ang BDSwiss, bilang isang pinangangasiwaang institusyong pinansyal, ay kailangang kumpirmahin ang pagkakakilanlan ng mga kliyente nito. Kung hindi maaaring tiyak na beripikahin ang iyong pagkakakilanlan, maaaring hilingin sa iyong magbigay ng karagdagang impormasyon. Bilang karagdagan, ang BDSwiss ay kailangang tumupad sa mga istandard na panseguridad ayon sa batas. Kabilang dito, nguni’t hindi limitado sa, ang batas laban sa money laundering at ang paghadlang sa pagtustos sa mga terorista. Kung nangangailangan ka ng tulong sa proseso ng beripikasyon ng iyong pagkakakilanlan, mangyaring makipag-ugnayan sa aming support team. Makikita mo ang aming contact addresses DITO.
  • Ano ang tinatanggap bilang “POR = Katibayan ng Tirahan”?

    Kabilang sa mga tinatanggap na form ng patunay ng paninirahan ay: mga bayarin sa utility, account o credit card statement, at kasalukuyang kontrata sa pangungupahan / permit ng paninirahan na hindi lampas sa 1 taon ang nakalipas. Mangyaring tandaan na ang mga dokumentong ito ay hindi maaaring higit sa 3 buwan ang nakalipas at dapat isumite nang buo. Hindi kami maaaring tumanggap ng mga sipi ng mga dokumento. Gayunpaman, ang kumpidensyal na impormasyon, tulad ng numero ng iyong account, ay maaaring gawin na hindi makikilala.

    Kung wala kang mga dokumento ng paninirahan sa iyong pangalan, mangyaring tandaan na maaari ka ring magpadala ng isang Sertipiko ng Paninirahan mula sa iyong Munisipalidad o isang Liham ng Pagkumpirma na nilagdaan ng isang lokal na awtoridad na kalakip ang iyong pangalan / apelyido, ang iyong kasalukuyang tirahan sa pinakakamakailang petsa. Mangyaring tandaan na ang mga elektronikong pahayag na may nakikitang url ay maaari ring tanggapin.

Aking Account

  • Ano ang dapat kong gawin kung nakalimutan ko ang aking password?

    Gamitin lang ang "Nakalimutan ang Password" na punsyon. Makikita mo ito kapag susubukang mag-log in sa iyong account gaya ng palagi. Kung hindi mo alam kung aling email address ang ginamit mo sa panahon ng pagpaparehistro, o kung hindi pa rin nalulutas ang iyong problema, mangyaring makipag-ugnayan sa aming support team. Makikita mo ang aming contact addresses DITO.
  • May gastos ba para magbukas ng isang trading account sa BDSwiss?

    Ang pagbubuka ng isang trading account sa BDSwiss ay ganap na walang bayad.
  • Paano ko maa-update ang aking personal na impormasyon?

    Maaari mong i-update ang iyong personal na impormasyon nang sarili mo sa anumang oras. Pumunta ka lang sa iyong dashboard at i-click mo ang opsyon sa menu na "Profile" sa kanang sulok sa itaas. Mag-click DITO upang direktang puntahan ang iyong personal na impormasyon.
  • Aling currency ang maaari kong gamitin para sa pangangalakal?

    You can choose between EUR (€), USD ($), GBP (£), PLN (zł), DKK (kr), SEK (kr), NOK (kr) and CHF (Fr.).
  • Maaari ba akong malugi ng mas maraming pera kaysa sa naideposito ko?

    Hindi, bilang isang kliyente ng BDSwiss, ang balanse ng iyong account ay hindi babagsak nang mas mababa sa sero. Maipatutupad ang proteksyon sa negatibong balanse.

Pag-unawa sa mga panganib

  • Ano ang mga panganib?

    Ang pangangalakal ng Forex/CFDs ay higit na espekulatibo at maaaring humantong sa parehong mga kita at pagkalugi. Mahalagang maunawaan na kung ang mga pamilihan ay gagalaw laban sa inyo, maaaring mawala ang lahat ng inyong pinuhunang kapital. Samakatuwid, napakaimportanteng maglaan lamang ng kapital na makakaya ninyong mawala sa inyo at maayos na pamahalaan ang inyong panganib at kapital. Para sa karagdagang impormasyon sa Pamamahala ng Panganib, mangyaring mag-click dito.

    Mangyaring tandaan na ang BDSwiss ay nagpapatupad ng isang “patakaran ng proteksyon sa negatibong balanse” na nangangahulugan na kailanman ay hindi kayo malulugi nang higit sa inyong pinamuhunanan.

    Pagdating sa pangangalakal ng Forex/CFDs, mahalagang tandaan na ang mga pamilihang pinansyal ay napakamasalimuot at walang “iisang pormula sa tagumpay”. May napakaraming salik na maaaring makaapekto sa direksyon ng isang asset at samakatuwid, mahalagang maglaan ng oras at pagsusumikap sa edukasyon. Nagbibigay ang BDSwiss ng maraming online na webinar, ecourse at video sa pangangalakal. Maaari rin ninyong isaalang-alang na mangalakal gamit ang isang demo account bago gamitin ang inyong sariling kapital.

Pangangalakal ng Forex/CFD

  • Nag-aalok ba kayo ng mga Alerto sa Trading?

    Oo, pakibisita ang aming pahina ng Mga Alerto sa Trading at i-click ang SUMALI SA BDSWISS CHANNEL upang makakuha ng aming mga libreng Alerto sa Trading Kung ikaw ay may VIP o Zero Spread Account, mangyaring i-click ang I-access ang VIP Alerts Channel sa aming website. Kung nais mong matuklasan ang mga benepisyo ng pag-trade ng VIP o Zero Spread Account at makakuha ng eksklusibong access sa aming VIP Trading Alerts channel, makipag-ugnayan sa Customer Support para magsaayos ng tawag sa telepono sa isa sa aming mga account manager.
  • Naniningil ba kayo ng Bayad para sa Kawalan ng Aktibidad?

    Oo, para sa impormasyon tungkol sa patakaran sa Mga Singil para sa Kawalan ng Aktibidad, mangyaring bisitahin ang aming Mga Tuntunin at Kundisyon DITO.
  • Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng balanse at ng equity na lumilitaw sa aking trading platform?

    Ang balanse ay naglalarawan ng Kita/Pagkalugi (Profit/Loss) ng iyong mga saradong posisyon habang ang Equity ay ang real-time na pagkalkula ng Kita/Pagkalugi (Profit/Loss) hal. isinasaalang-alang ang parehong bukas at saradong mga posisyon.
  • Paano ako mag-log in sa MT4?

    Tungkol sa MT4, mangyaring gamitin ang BDSwiss-Real01 o BDSwiss-Demo01. Upang mag-login dapat mong gamitin ang numero ng account ng iyong Forex Live o Forex Demo, ang iyong password sa pagrehistro sa BDSwiss at ang mga pangalan ng Server sa itaas.
  • Ano ang Rollover?

    Ang rollover ay tumutukoy sa interes na sinisingil o inilalapat sa account ng isang trader para sa mga posisyon na pinanatili "overnight o magdamagan", ibig sabihin pagkatapos ng alas-5 ng hapon ET.
  • Paano ako maglalagay ng trade sa MetaTrader 5?

    Magsimula sa pamamagitan ng pag-click sa "Bagong Order" sa toolbar o sa pamamagitan ng pag-right click sa ninanais na asset sa tab na Market Watch. Pindutin ang CTRL + U upang ilabas ang window ng mga simbolo at piliin ang iyong ninanais na pinagbabatayan na asset. Ayusin ang laki ng iyong posisyon sa pamamagitan ng pagtatakda ng bilang ng mga lot gusto mong i-trade sa tab na Volume. Sa puntong ito maaari mo ring itakda ang iyong pinakamataas na limitasyon sa Stop-Loss o Take-Profit, upang ang iyong posisyon ay awtomatikong isasara sa sandaling maabot ang mga antas na ito. I-click ang “BILHIN” kung sa tingin mo ang presyo ng iyong napiling asset ay tataas ang halaga. I-click ang 'IBENTA' kung sa tingin mo ang presyo ng iyong napiling asset ay bababa ang halaga.
  • Paano ko mada-download ang MetaTrader 5?

    Available ang MetaTrader 5 para sa iba't ibang mga device. Ang naaangkop na link para iyong nais na device ay matatagpuan DITO.
  • Ano ang CFD?

    Ang ibig sabihin ng CFD ay "Contract for Difference". Sa halip na makipag-ayos o pisikal na palitan ang pinansiyal na asset (hal. pisikal na bumili o ibenta ang stock ng isang kumpanya), ang CFD ay isang transaksyon kung saan ang dalawang partido ay sumang-ayon na magpalitan ng pera batay sa pagbabago sa halaga (presyo) ng pinagbabatayan, naganap sa pagitan ng punto kung saan ang operasyon ay binuksan at ang sandali kung kailan ito ay nagsara DITO..
  • Aling mga halaga ang maaari kong kalakalin sa CFDs?

    Sa mga CFD walang mga takdang halaga na maaari mong i-trade. Kapag inilagay mo ang iyong order, tinutukoy mo ang halaga na itatalaga sa isang pip sa pamamagitan ng pagpili ng laki ng iyong posisyon. Habang ang iyong posisyon ay nakabukas, ang iyong kita o pagkatalo ay tinutukoy ng pamantayan na ito. Mahalagang tandaan na ang isang CFD ay isang leveraged product, na nangangahuluganna nagbabayad ka lamang ng margin (collateral) upang magbukas ng trade, na tumutugma sa isang bahagi ng aktwal na halaga ng posisyon. Ang paggamit ng leverage ay nangangahulugan din na kailangan mo lamang magdeposito ng isang maliit na porsyento ng buong halaga ng trade upang magbukas ng posisyon. Ito ay tinatawag na 'trading on margin'. Bagaman ang trading on margin ay nagpapahintulot sa iyo na palakihin ang balik na makukuha mo, ang mga pagkalugi ay mapapalaki rin kung ang mga ito ay batay sa buong halaga ng posisyon. Pakitiyak na nauunawaan mo ang lahat ng mga panganib na nauugnay sa CFD trading bago ilagay ang iyong order
  • Ano ang ibig sabihin ng BUY (MAHABA) at SELL (MAIKLI)?

    Piliin mo ang BUY, kung sa tingin mo na tataas ang presyo ng underlying asset. Sa katawagang pinansyal, ito ay tinutukoy na pagpili ng "MAHABA". Piliin mo ang SELL, kung sa tingin mo na bababa ang presyo ng underlying asset. Sa katawagang pinansyal, ito ay tinutukoy na pagiging "MAIKLI".
  • Paano ko mada-download ang MetaTrader4?

    Ang Meta Trader software ay available para sa iba’t-ibang devices. Makikita mo ang naaangkop na link para sa iyong nais na device DITO.
  • Paano ako maglalagay ng trade sa MetaTrader 4?

    Magsimula sa pamamagitan ng pag-click sa "Bagong Order" sa toolbar o sa pamamagitan ng pag-right click sa ninanais na asset sa tab na Market Watch. Pindutin ang CTRL + U upang ilabas ang window ng mga simbolo at piliin ang iyong ninanais na pinagbabatayan na asset. Ayusin ang laki ng iyong posisyon sa pamamagitan ng pagtatakda ng bilang ng mga lot gusto mong i-trade sa tab na Volume. Sa puntong ito maaari mo ring itakda ang iyong pinakamataas na limitasyon sa Stop-Loss o Take-Profit, upang ang iyong posisyon ay awtomatikong isasara sa sandaling maabot ang mga antas na ito. I-click ang “BILHIN” kung sa tingin mo ang presyo ng iyong napiling asset ay tataas ang halaga. I-click ang 'IBENTA' kung sa tingin mo ang presyo ng iyong napiling asset ay bababa ang halaga.
  • Saan ko mahahanap ang aking talaan ng pag-trade / account sa MetaTrader 4?

    Sa ibaba ng screen, may makikita kang iba’t-ibang tabs. Sa ilalim ng "Kasaysayan ng Account", makikita mo ang iyong mga nakaraang aktibidad at transaksiyon.
  • May mga karagdagang gastos ba kapag nagte-trade sa MetaTrader 4 software?

    Ang pangangalakal sa Meta Trader 4 platform ay libre. Mangyaring tandaan na ang mga karaniwang singil na kaakibat ng pangangalakal ng CFDs ay ipapataw.
  • Saan ko makikita ang mga oras ng pangangalakal ng iba’t-ibang underlying assets?

    Sa parehong Webtrader at desktop na bersyon ng trading platform, maaari mong makita ang mga oras ng trading sa loob ng "Pangkalahatang-ideya ng Merkado" sa pamamagitan ng pag-right click sa isang pinagbabatayan na asset at pagpili sa "Mga Ispesipikasyon".
  • Kailan at bakit awtomatikong isinara ang aking mga posisyon?

    Ang awtomatikong pagsasara ng iyong (mga) posisyon ay nangyayari kapag ang iyong equity ay nasa 50% lamang ng iyong kinakailangang margin. Ito ay nangyayari kapag ang iyong mga nakabukas na mga posisyon ay may patuloy na pagkatalo na bumubuo sa isang malaking bahagi ng iyong equity. Mangyaring tiyaking laging may sapat na pondo sa iyong account upang maiwasan ang mga awtomatikong pagsasara.
  • Ano ang Stop-Loss o Take-Profit at paano sila isinasagawa?

    Profit, ang posisyon ay isasara sa kasalukuyang available na presyo ng merkado. Gayunpaman, sa parehong mga uri ng order, hindi magagarantiya na ang predetermined exit level ay eksaktong tutugma sa aktwal na exit price. Kung ang presyo ng merkado ay tumataas o bumaba nang higit sa predetermined exit level, maaaring magkaroon ng mas mataas na kita o pagkalugi kaysa sa iyong ninanais. Kung nais mong matuto nang higit pa, mangyaring basahin ang entry tungkol sa "Slippage" sa Glosaryo ng CFD.
  • Ano ang mga dapat bayaran sa pangangalakal ng CFDs /Forex?

    Ang isang detalyadong pangkalahatang ideya ng aming mga komisyon sa trading ay matatagpuan DITO.
  • Ano ang Spread?

    Ang spread ay ang pagkakaiba sa presyo sa pagitan ng kung saan ang negosyante ay maaaring bumili o magbenta ng isang pinagbabatayang asset ng CFD, ito ay karaniwang tinutukoy bilang bid at ask price. Maaari mong isipin ang spread bilang halaga ng trading para sa paglalagay ng isang posisyon; ang mas manipis na spread ay nagbibigay-daan sa iyo upang mabawasan ang iyong mga gastos sa trading kaya pinapalaki ang mga kita o pinapaliit ang mga pagkalugi, pagkatapos mong isara ang iyong mga posisyon.
  • Ano ang Marhen?

    Ang margin ay kumakatawan sa isang deposito ng seguridad na kinakailangan man lang upang magbukas ng trade. Sa simpleng mga salita, ang margin ay ang halaga na iyong iniaambag sa isang partikular na trade at ito rin ang halaga na maaaring mawala sa iyo kapag ang mga merkado ay gumalaw laban sa iyo. Ang margin ay ang termino rinna ginagamit para sa halaga ng pera na kailangan mong panatilihin sa iyong account upang suportahan ang isang posisyon, na tinatawag na maintenance margin. Sa kalaunan, kung ang iyong posisyon ay nagbabantang sairin ang iyong account, magkakaroon ng punto kung saan ang posisyon ay awtomatikong isasarado, ito ay tinatawag na margin stop-out. Upang mapanatili ang iyong mga posisyon na bukas, ang awtomatikong pagsasara ng iyong posisyon ay maaaring iwasan sa pamamagitan ng pagdeposito ng higit pang mga pondo.
  • Nag-aalok ba kayo ng mga microlote, o CFDs na mas malilit sa isang istandard na kontrata?

    Oo. Maari mong piliin ang bulumen na gusto mong kalakalin, o sa pagpili ng iyong nais na bulumen mula sa isang listahang paunang tinukoy o direktang pag-type nito sa input field. BIGYANG PANSIN: Ginagamit ng MetaTrader 4 ang Anglo-Amerikanong estilo ng pagsulat, ang kuwit ay tinutukoy ng isang tuldok, at hindi isang kuwit.

Transaksiyon

  • Maaari ba akong maglipat ng mga pondo mula sa isang account papunta sa isa pa?

    Kung nais mong maglipat ng mga pondo sa pagitan ng iyong sariling BDSwiss account, paki-email ang [email protected] na nagkukumpirma ng mula sa aling account papunta sa aling account nais mong maglipat ng mga pondo (kabilang ang mga numero ng account). Ang iyong kahilingan ay mapoproseso sa loob ng 24 na oras ng negosyo.
  • Paano ako makakapagdeposito sa aking account?

    Sa "Aking accounts" na seksiyon ng iyong dashboard, maaari mong piliin kung sa alin sa iyong trading accounts ka magdedeposito. Pagkatapos, mag-click ka sa "Magdeposito" at ideposito mo ang iyong nais na halaga. Nag-aalok ang BDSwiss ng iba’t-ibang paraan sa pagdeposito, kabilang ang credit cards, bank transfers, Sofortüberweisung, Skrill at marami pang iba.
  • Aling mga paraan sa pagdeposito ang magagamit?

    Nakikipagtrabaho ang BDSwiss sa maraming tagapagbigay ng serbisyo sa pagbabayad upang tiyakin na maaari kang pumili mula sa iba’t-ibang paraan sa pagdeposito sa iyong bansa. Palagi kang maaaring magdeposito sa pamamagitan ng credit card o bank transfer.
  • May mga maximum na halaga ba para sa mga deposito o pagwi-withdraw?

    Wala. Walang pinakamataas na limitasyon sa mga deposito o withdrawals. Mangyaring tandaan na hindi ka maaaring mag-withdraw ng higit sa balanse ng iyong account.
  • Paano ko kakanselahin ang isang pagwi-withdraw?

    Kung, sa panahon ng proseso ng pagwi-withdraw, nais mong isauli ang iyong pera pabalik sa iyong BDSwiss account, maaari mong kanselahin ang iyong pagwi-withdraw. Ito ay higit na nakatatulong, lalo na kung ang pagwi-withdraw ay maaaring maging dahilan kung bakit magkakaroon ka ng mga limitadong pondo sa iyong account, at gusto mo pa ring bumili ng isang opsyon. Upang kanselahin ang isang kahilingan ng pagwi-withdraw, mangyaring magpadala ng email sa [email protected] o makipag-ugnayan sa amin gamit ang isa sa aming mga numero ng teleponong panrehiyon na makikita mo RITO.

    Mangyaring tandaan na ang mga withdrawal ay maaaring kanselahin sa pamamagitan ng aming website sa loob ng 24 na oras. Maaari ka ring magkansela ng isang kahilingan sa pag-withdraw sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa [email protected]

  • Ano ang minimum na halaga sa pagwi-withdraw?

    Maliban sa mga pagwi-withdraw sa pamamagitan ng bank wire, walang ipinapataw na minimum na halaga sa pagwi-withdraw ang BDSwiss. Gayon pa man, mangyaring tandaan na may bayad na 10 EUR na ilalapat sa anumang pagwi-withdraw sa pamamagitan ng bank wire na mas mababa sa 100 EUR at anumang ibang mga pagwi-withdraw na naghahalaga ng 20 EUR o mas mababa. Para sa mga internasyonal na bayad sa pamamagitan ng bank wire, may minimum na halaga sa pagwi-withdraw na 50 EUR pagkatapos kaltasin ang basic fee na 10 EUR. Para sa mga SEPA transfer, may minimum na halaga sa pagwi-withdraw na 5 EUR pagkatapos kaltasin ang basic fee na 10 EUR.
  • Libre ba ang mga pagwi-withdraw sa BDSwiss?

    Sa karamihan ng mga kaso, ang mga withdrawal ay pinoproseso nang walang bayad. Ang mga sumusunod na eksepsyon ay umiiral: Ang customer ay nais na mag-withdraw ng mas mababa sa € 100 / $ 100 / £ 100. Sa mga sitwasyong ito, may ilalapat na 10 EUR na singil sa anumang mga bank wire withdrawal na mababa sa 100 EUR at anumang iba pang mga uri ng withdrawal na nagkakahalaga ng 20 EUR o mas mababa.