Mga Opsiyon sa Pagdeposito at Pag-withdraw
Mga Deposito
Sa BDSwiss, nakipagtulungan kami sa mga nangunguna at ligtas na tagapagkaloob ng serbisyong pagbabayad upang pahintulutan ang aming mga kliyente na magdeposito gamit ang paraang pinakamadali para sa kanila. Ang seguridad ng mga pondo ng kliyente ay napakahalaga sa BDSwiss at binuo ang isang personalised at sopistikadong client portal upang mabigyan ng pleksibilidad at kaginhawahan ang aming mga kliyente sa pagproseso ng mga ligtas na deposito at pag-withdraw mula sa iisang pinagmumulan.Mga Kondisyon
Maaari lamang makumpleto ang mga pagdeposito kung ito ay isinagawa mula sa holder ng trading account. Nangangahulugan ito na dapat pareho ang pangalan sa trading account at paraan ng pagdeposito na ginamit.Pagdedeposito
Ang pagdedeposito ng mga pondo sa iyong BDSwiss trading account ay isang simpleng proseso. Kailangan mong mag-login sa iyong Client Portal, piliin ang account na nais mong pagdeposituhan, i-click ang pagpipilian sa pagdeposito at piliin ang iyong ninanais na paraan ng pagdeposito. Susundan mo ngayon ang mga tagubilin para kumpletuhin ang lahat ng field na tutukuyin para sa iyo.Mga Pag-withdraw
Nilalayon ng BDSwiss na gawing madali at komportable para sa iyo ang pag-withrdaw ng iyong mga pondo. Lagi naming nilalayon na magbigay sa aming mga kliyente ng pinakamagandang serbisyo kaya pinipilit naming iproseso ang lahat ng mga kahilingan sa pag-withdraw sa loob ng 24 na oras.
* Ang mga pag-withdraw ay pinoproseso ng BDSwiss sa loob ng 24 na oras ng trabaho. Ang oras na kailangan bago dumating ang iyong mga pondo sa iyong account ay nakasalalay sa timeframe ng iyong bangko pati na rin ang paraan na ginamit para mag-withdraw.
* Ang mga pag-withdraw ay sumasailalim sa mga partikular na kinakailangan tulad ng nakasaad sa aming Mga Tuntunin at Kondisyon.
* May ilalapat na singil na hanggang 5% kung hiniling ang pagwi-withdraw nang walang nasagawang anumang aktibad sa pangangalakal o kapag nagsagawa ng walang-kabuluhang aktibidad sa trading.
Mga Kondisyon
Upang protektahan ang lahat ng partido laban sa pandaraya, maaari lamang maiproseso ang mga pagwi-withdraw ng kliyente kung ang naaangkop na dokumentasyong KYC ay naibigay ng kliyente at ganap na naberipika ang kanyang account.
Dapat isagawa ang mga pagwi-withdraw gamit ang parehong paraang ginamit upang pondohan ang inyong account sa pangangalakal. Nangangahulugan ito na dapat silang ilipat sa pinagmulang paraan ng pagdeposito.
Mga pagwi-withdraw
Lahat ng kahilingan ng pagwi-withdraw na natanggap sa loob ng karaniwang oras ng trabaho (9 a.m. - 6 p.m.) ay ipoproseso sa loob ng mismong araw kung kailan ginawa ang kahilingan na mag-withdraw ng mga pondo o sa susunod na araw ng trabaho kung natanggap ang kahilingan ng kliyente sa labas ng mga karaniwang oras ng trabaho
Maiwi-withdraw ang mga kita sa pangangalakal sa pamamagitan ng mga paraan na available sa inyo, o, kung sinusuportahan ng inyong credit card ang OCT, maiwi-withdraw ninyo ang mga halagang lampas sa kabuuan ng mga nakaraang deposito ninyo (halimbawa, mga kita sa pangangalakal). Mangyaring tandaan na walang mga singil sa pagwi-withdraw sa credit card para sa mga pagwi-withdraw ng kita.
Mangyaring tandaan na maaari rin kayong singilin ng karagdagang mga bayad sa palitan o pagbabangko ng inyong tagabigay ng serbisyo ng card.